DND chief sa leftist groups: Makonsensya kayo!

Inalmahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pahayag ng isang militanteng grupo na nangangamba umanong gahasain ng mga sundalo at pulis ang mga kababaihang Muslim kapag hindi lumisan sa battle zone sa lungsod ng Marawi. AP/Wong Maye-E, File

MANILA, Philippines - Inalmahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pahayag ng isang militanteng grupo na nangangamba umanong gahasain ng mga sundalo at pulis ang mga kababaihang Muslim kapag hindi lumisan sa battle zone sa lungsod ng Marawi.

Sinabi ni Sec. Lorenzana, nagbubuwis ng buhay ang mga sundalo para mapanumbalik ang kapayapaan ng lungsod ng Marawi para pag-isipan pa ng masama ng nasabing militanteng grupo.

“I question the motives and credibility of certain leftist groups and individuals in coming up with a dubious report that Marawi women residents allegedly fear that they will be raped by soldiers in the ongoing military operations in Marawi City,” pahayag ni Lorenzana sa Defense Press Corps.

Bagaman hindi naman tinukoy ni Lorenzana ang nasabing grupo ay ang nagpalabas ng pahayag ang Gabriela noong Biyernes na nangangamba umanong gahasain ng mga sundalo at pulis sa Marawi City ang mga babaeng Muslim kapag hindi lumisan sa confict-area.

Show comments