TESDA aayuda sa MMDA
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Upang may alternatibong pagkakitaan, hihingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ayuda ng Technical Education and Skills Deve­lopment (TESDA) para sa pagbibigay ng skills training sa mga winalis na vendors sa isinagawang clearing operation ng ahensiya.

Ito ay ayon kay MMDA officer-in-charge Tim Orbos, para aniya makapagpatuloy sa kanilang maliit na negos­yo ang mga sidewalk vendors na nakatakdang ma-relocate para masaayos ang daloy ng trapiko sa mga pa­ngunahing lansangan ng Kalakhang Maynila.

“Everyone must make sacrifices in order to see the change we want. After all, nobody is spared from the traffic problem in Metro Manila”, ani Orbos.

Nakatakda nang i-relocate ang mga sidewalk vendors ngayong Mayo sa Hong Kong Plaza sa Macapagal Ave. at sa itatayong flea market sa Aseana Complex sa Parañaque City.

Nangako naman aniya ang TESDA na tutulong ito para magbigay ng training skills sa mga vendors na apektado sa isinagawang clearing operation ng MMDA  bilang alternatibo nilang source of income.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay inumpisahan na ng MMDA katuwang ang lokal na pamahalaan na buwagin  ang mga illegal sidewalk vendors at illegal terminal sa area ng Pasay City at Bac­laran, Parañaque City.

TESDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with