^

Bansa

New York Times ‘asshole’ - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
New York Times �asshole� - Digong
Nagkamay sina Pangulong Duterte at Brunei Sultan Hajj Hassanal Bolkiah matapos ang bilateral meetng sa Malacañang kahapon.
(Krizjohn Rosales)

MANILA, Philippines -  Tinawag na ‘asshole’ ni Pangulong Duterte ang New York Times (NYT) matapos siyang batikusin sa editorial nito kamakailan na may titulong “Let the World condemn Duterte”.

Sinabi ng Pangulo sa media interview matapos ang bilateral talks nila ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa Malacañang, na ang New York Times ang dapat huminto sa kanilang publikasyon.

“It’s about time The New York Times must stopped their publications,” sabi ni Pangulong Duterte.

Aniya, napaka-asshole ng NY Times dahil hindi naman nito mabatikos ang sarili nilang mga pagkakamali.

Hindi rin pinaligtas ni Duterte ang tinatawag niyang mga corrupt sa media kung saan ay muling binatikos nito ang Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN at Inquirer.net.

Siniguro ng Pangulo na kukunin ng gobyerno ang dapat makuha ng gobyerno sa porma ng buwis partikular na tinukoy nito ang mga may-ari ng PDI.

“I will claim what belongs to the government,” dagdag pa ni Duterte kahit inaawat na ng Malacañang staff ang media sa pagtatanong subalit nais pa rin ng Pangulo na magsalita hinggil sa corruption sa media.

“I stand by my sayings. Kayo ang nagiikot-ikot ng storya. Wala akong sinabi na di ko ginawa,” dagdag pa ng Pangulo.

Nagbanta din si Duterte na haharangin na niya ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa pagiging swindler nito kung saan ay naging biktima siya nito noong eleksyon.

Aniya, nagbayad siya para sa isang political ad sa ABS-CBN noong kampanya subalit hindi naman nailabas kaya ng binabawi niya ang naibayad ay ayaw naman daw ibalik sa kanya.

Hindi din nakaligtas sa batikos ng Pangulo ang Amnesty International (AI) kung saan ay nais nitong isama sa diskusyon sa ASEAN Summit ang tungkol sa human rights.

Wika pa ng Pangulo, hindi dapat nakikialam ang AI na ito sa usapin ng ASEAN kasabay ang paggiit na matagal na niyang pinaimbestigahan ang extra judicial killings at siniguro na wala itong pahintulot ng pamahalaan.

vuukle comment

NEW YORK TIMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with