^

Bansa

GMA sinisi si Noynoy sa problema sa WPS

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Mistulang sinisisi ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Atty. Estelito Mendoza sa nakalipas na administrasyong Aquino ang kinakaharap na sigalot ng Pilipinas sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ito’y matapos na ilabas at ilunsad ni Atty. Mendoza at Arroyo ang primer na may titulong “Oceans Space on Maritime Area of the Philippines” na inilathala sa University of the Philippines (UP).

Sa nasabing primer ay pinapaliwanag nito ang bawat bahagi ng karagatang teritoryong sakop ng Pilipinas.

Paliwanag ni Mendoza, noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino nagsimula ang problemang kinakaharap ng bansa sa West Philippine Sea na pinatindi pa ng pagtatayo ng mga isla ng China at panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino matapos na maghain ng reklamo sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Taliwas ito noong panahon ni Arroyo kung saan tinatamasa ng Pilipinas ang kapayapaan sa West Philippine Sea kahit na ipinasa din sa ilalim ng administrasyong Arroyo ang Republic Act 9522 o ang Archipelagic Baselines of the Philippines ay walang pag-alma ang China.

Sa katunayan, nagsagawa pa ng tinatawag na joint seismic undertaking ang Pilipinas at China upang pagyamanin ang natural resources sa West Philippine Sea.

Umaasa naman si Mendoa na makakatulong ang kanyang inilabas na primer upang maging basehan sa usapin sa pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

vuukle comment

ATTY. ESTELITO MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with