Ospital itatayo sa Middle East - Para sa OFWs
(Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2017 - 6:47pm

MANILA, Philippines - Upang matugunan ang pangangailangan ng milyun-milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) pagdating sa kanilang kalusugan, inianunsyo kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagpapatayo ng general hospital para sa mga manggagawa sa Middle East (ME).

Ang plano ay inihayag ng Pangulo sa kanyang pagdating sa Pilipinas mula sa halos isang linggong state visit sa ME partikular sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

Ang Pangulo ay dumating nitong Lunes ng madaling-araw mula sa Qatar, ang huling leg ng state visit nito sa ME at dala ang magagandang accomplishments nito sa ginawang pagbisita kabilang na ang paglalagda ng iba’t ibang kasunduan na magbebenepisyo sa ekonomiya ng Pilipinas at sa kapakanan ng mga OFWs sa Saudi, Bahrain at Qatar.

Ayon kay Duterte, ang plano ay depende sa ibibigay na permi­so ng mga bansa sa Gitnang Silangan na planong pagtayuan ng ospital para sa mga OFWs.

Kasama ng Pangulo na dumating sa bansa ang 150 distressed o runaway OFWs na nanatili sa Bahay Kalinga na minamantine ng Embahada ng Pilipinas mula sa Saudi Arabia.

Unang inanunsyo ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang mga umuwing OFWs ay pinayagan ng Saudi Labor Ministry na ma-isyuhan ng exit visas sa ilalim ng amnesty o repatriation program ng Saudi government.

Ang mga umuwing OFWs na miyembo ng Overseas Workers Welfare Administration ay mabibigyan ng P10,000 assistance.  Ellen ­Fernando

OSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with