‘Isla sa West Phl Sea okupahan’

MANILA, Philippines - Iniutos ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na okupahan ng mga ito ang mga teritoryong pag-aari ng Pilipinas sa South China Sea partikular ang mga islets sa Pag-asa island.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Puerto Princesa City, nais nitong palakasin ang presensiya ng military sa mga islang pag-aari ng Pilipinas sa South China Sea upang igiit na pag-aari ng Pilipinas ang nasabing mga teritoryo.

“There is need to “fortify” Pag-asa Island on South China Sea by building bunk houses, structures,” pahayag ni Duterte.

Nais ng Pangulo na magtayo ng mga bunk houses ang military sa 9-10 na islets sa Pag-asa island para ipakita na tayo ang lehitimong may karapatan sa nasabing mga isla.

Nangako din si Duterte na magtutungo ito sa Pag-asa island sa Araw ng Kalayaan kung saan ay itataas niya ang watawat ng Pilipinas upang igiit na atin ang nasabing teritoryo.

“We have to maintain our jurisdiction over South China Sea. Sa coming independence day natin, I might, I may go to Pag-asa Island to raise the flag there,” giit pa ng chief executive. 

Show comments