^

Bansa

Ex Pres. Noynoy, atbp bibigyang proteksiyon ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex Pres. Noynoy, atbp bibigyang proteksiyon ng AFP
Bibigyang proteksyon ng tropa ng Armed Forces of the Philippines si dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang mga opisyal laban sa bantang pagpapakilos ng National Democratic Front sa kanilang armed wing na mga rebeldeng New People’s Army upang dakpin ang ilang matataas na personalidad na nasa kanilang ‘arrest list.
AP/John Minchillo

MANILA, Philippines - Bibigyang proteksyon ng tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang mga opisyal  laban sa bantang pagpapakilos ng National Democratic Front (NDF) sa kanilang armed wing na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) upang dakpin ang ilang matataas na personalidad na nasa kanilang ‘arrest list .

Ito ang tiniyak kahapon ni  AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na sinabi pang iligal, walang basehan at labag sa batas ang nais ipatupad na pagpapaaresto ng NDF laban sa dating Pangulo at iba pang nasa ‘arrest order’ ng komunistang kilusan.

“Ito pong paghusga sa ating dating Pangulo at sa mga ibang opisyal ay wala pong pinagbabatayan, they are illegal and they are not honored, we will only recognize judgement that comes from duly recognized courts of the Republic”, pahayag ni Padilla sa mediamen.

Bukod kay dating Pangulong Noynoy kabilang pa sa ipinaaresto ng NDF sa Southern Mindanao ay sina North Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Rep. Nancy Catamco, gayundin ang ilang opisyal ng PNP at AFP kaugnay ng madugong pagbuwag sa rally ng militanteng magsasaka sa Kidapawan City noong Abril 1 ng nakalipas na taon.

Binigyang diin pa ng opisyal ang ginagawa nilang koordinasyon sa iba pang mga opisyal ng pamahalaan  para sa pagpapaigting pa ng proteksyon para sa da­ting Commander in Chief at iba pang mga opisyal na nais ipaaresto at isalang sa ‘kangaroo’ court ng NPA rebels.

vuukle comment

BENIGNO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with