63-anyos na lolo, itinumba ng tandem

MANILA, Philippines -  Isang 63-anyos na lolo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay  ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-the-spot sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si William San Jose, ng Sykason Building, Decena St.,  Brgy.  94,  Zone 1 ng nasabing lungsod.

Blanko pa ang pu­lisya sa pagkakakilan-lan ng mga suspek.

Sa report na natanggap ni Police Chief Ins­pector Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang in­sidente alas-7:25 ng gabi  sa panulukan ng Arnaiz Avenue at Taft Ave­nue, ng naturang lugar.

Habang nakatayo ang biktima sa bangketa ay biglang dumating ang isang motorsiklong walang plaka lulan ang mga suspek at walang sabi-sabing  pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insi-dente ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Sa ngayon ay iniim­bestigahan pa ng pulisya ang nasabing pamama-ril.

Show comments