Dagdag na social hygiene clinics itatayo sa QC

MANILA, Philippines -  Magtatayo ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng dagdag na social hygiene clinic at isang male-focused sexual health care facility sa may Libis ng  naturang lunsod.

Ayon kay QC Mayor Herbert Bautista, ang hakbang ay bahagi ng patuloy na paglalaan ng mas  mahusay na prevention coverage para sa bawat indibidwal na may sexually transmitted infection diseases lalo na ang mga taong expose sa male-to-male sexual behaviors.

Bukod dito, plano rin ng lokal na pamahalaan na magpagawa ng dalawa pang teenage health quarters sa lungsod para mabigyan ng mahusay na access sa medical services na may kinalaman sa reproductive health and development.

Ang QC ay may anim na city-run social hygiene clinics para sa panggagamot ng mga taong may HIV at care services, tatlong male-focused sexual health care facilities at isang teenage health quarters.

Ang QC government ay nakapag-invest na ng mahigit P43 milyon para sa HIV program ng lunsod.

Show comments