Phl Navy warship magpapatrulya sa Benham Rise

MANILA, Philippines -  Asahan na ang regular na pagpapatrulya ng warship ng Philippine Navy ?sa 13 milyong hektarya ng Benham Rise na nasa pagitan ng karagatan ng Aurora at Isabela.

Inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipinadeploy na nito sa lugar ang BRP Ramon Alcaraz (FF 16).

Una nang ibinulgar ni Lorenzana na naispatan sa Benham Rise ang mga survey ship ng China mula pa noong Disyembre 2016 na posible umanong naghahanap ng lugar na mapaghihimpilan ng kanilang mga submarine.

Sabi ng Defense Chief, nasa tama lamang ang aksiyon ng Pilipinas na magpatrul­ya sa Benham Rise dahil ini-award ito sa bansa ng United Nations noong 2012.

“Our next activity is to  have the area surveyed to clearly determine its limits, depths, coral formations, etc,” ayon pa sa opisyal.

Show comments