^

Bansa

Impeachment bahagi ng destab - Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bahagi pa rin umano ng mas malawak na plano ng destabilisasyon ang inihaing impeachment complaint laban kay Pa­ngulong Duterte dahil ang hakbang ng mga kalaban ay planado at coordinated.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa hakbang ni Magdalo Party­list Rep. Gary Alejano na sampahan ng impeachment sa Kamara si Pangulong Duterte.

“However, it does seem like part of larger scheme of things. It just seems dramatic because everything is so well-coordinated at this stage... to discredit the administration and trying to throw it in doubt,” sabi ni Abella.

Iginiit kahapon ni Abella na walang ginawang impeachable offense ang Pangulo.

Batay sa alegasyon ni Alejano, nagkasala ang Pangulo ng high crimes dahil sa malawakang pagpatay sa mga drug personalities graft and corruption dahil sa umano’y tagong bank account at yaman.

Sinabi ni Abella na mahigpit na sinusunod ng Pangulo ang rule of law na naayon sa itinatadhanan ng Saligang Batas

Inihayag ni Abella na hindi patitinag ang admi­nistrasyon sa mga nanggugulo at pagtutuunan ng pansin ang reporma at pagbabago para sa nation building.

vuukle comment

ERNESTO ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with