All out war vs drug hahataw uli

MANILA, Philippines -  Naghahanda na sa pagbabalik sa giyera kontra droga ang Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos bigyan na ng go signal ni Pangulong Duterte si PNP Chief P/Director Ronald Ronald dela Rosa upang buhayin muli ang Oplan Tokhang ng pulis­ya pero nilinaw na hindi lahat ng pulis ay puwedeng mag-operate rito.

“I have ordered [PNP chief] Bato [dela Rosa] to recruit young men in the PNP who are imbued with fervor of patriotism to be the members only of the task forces. Every station should have one pero yung piling pili, iyung walang history of corruption,” wika ng Pangulo.

“I have to do it because kulang ako ng tao,” sabi ni Duterte.

Aniya, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pa rin ang mangunguna sa drug war ng gobyerno at tutulong lamang ang piling PNP personnel.

“Just be ready, ready get set go. Ready. We will be informed if we will go back to the war on drugs. We will be informed in due time. Just wait. We want to surprise the enemies,” pahayag ni dela Rosa sa pagbabalik muli ng PNP sa anti-illegal drugs operation kaya’t magsihanda na anya ang mga drug lords at mga sindikato nito na kanilang tutugisin.

Sinabi ni dela Rosa na upang maipursigeng muli ang giyera kontra droga ay bubuo sila ng panibagong drug enforcement unit upang labanan ang malalang problema sa droga ng pamahalaan.

 

Show comments