Jueteng, atbp upakan!
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Target naman ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang jueteng, masiao at iba pang illegal gambling operations sa bago nitong kautusan sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Nagpalabas ng Executive Order no. 13 si Pangulong Duterte na nilagdaan nitong Pebreo 2 upang palakasin ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal gambling particular sa mga illegal na sugal na jueteng sa Luzon, masiao sa Visayas at Mindanao pati ang iba pang uri ng bawal na sugal tulad ng video karera, bookies ng karera at bookies ng Small Town Lottery (STL).

Ginawa ni Pangulong Duterte ang kautusan sa PNP at NBI matapos nitong pagbawalan ang nasabing mga ahensiya na magsagawa ng anti-illegal drug operations makaraang masangkot ang mga ito sa ‘tokhang for ransom’ particular sa Korean businessman na pinatay mismo sa loob ng Camp Crame na si Jee Ick-joo.

“Law enforcement agencies are also directed to coordinate with and act on the requests of gambling regulatory authorities like the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) to investigate and end illegal gambling activities in their respective jurisdiction,” nakasaad pa sa EO no. 13 ni Pangulong Duterte.

Nakapaloob din sa nasabing kautusan ng Pangulo na ang mga concerned agencies tulad ng Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ay dapat makipagtulungan sa PNP at NBI hinggil sa kampanya laban sa illegal gambling operations sa bansa.

“The same law enforcement agencies are further directed to coordinate and promptly act on requests of gambling regulatory authorities to investigate and put a stop to illegal gambling activities in their respective jurisdictions,” nakapaloob pa sa EO no. 13 ni Pangulong Duterte.

The EO defined illegal gambling as a manner of directly or indirectly taking part in a game scheme wherein wagers consisting of money or articles of value at stake which is not authorized or licensed by the government.

Nilinaw din sa nasabing kautusan ng Pangulo na ang mga online gambling operators ay pinagbabawal na payagan ang mga nasa ibang bansa upang makapaglaro o makapagsugal sa online portal nito.

Ang tanggapan ng Pa­ngulo ay gagamitin ang oversight power nito sa pagpapatupad ng pinalakas na kampanya laban sa illegal gambling sa bansa.

“Whereas, the State condemns the existence of illegal gambling activities as a widespread social menace and source of corruption, as it has become an influential factor in an individual’s disregard for the value of dignified work, perseverance and thrift,” nakapaloob pa sa EO no. 13.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with