Duterte nangakong tatapusin ang Abu Sayyaf
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Muling nangako si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang teroristang grupo na Abu Sayyaf.

Inihayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na muling bi­nanggit ng Pangulo ang kanyang pangako sa isinagawang New Year Command Conference ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Phi­lippine National Police (PNP) noong Biyernes.

“Idiniin din ng Presidente na ‘yung kanyang commitment to end the ASG, ‘yung Abu Sayyaf Group,” pahayag ni Abella sa panayam ng Radyo ng Bayan kahapon.

Ayon pa kay Abella, nagbigay ng security update sa Pangulo ang security forces  ng bansa sa isinagawang joint command conference.

Sinabi pa ni Abella na sa panig naman ng Pa­ngulo, muli nitong tiniyak at inulit ang pangako na wawakasan ang korupsiyon, ilegal na droga at te­rorismo.

PA­NGULONG RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with