^

Bansa

Pork barrel funds buhay pa rin – Lacson

READER’S VIEWS - Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pork barrel funds buhay pa rin � Lacson
Ayon kay Lacson, naibalik sa Department of Public Works and Highways ang naunang tinanggal na mahigit na P8 bilyong “pork” bukod pa sa nakuha ng ahensiyang P497 milyon mula sa Calamity Fund.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Ibinunyag kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na buhay pa rin ang kontrobersiyal na pork barrel funds sa 2017 General Appropriations Act kahit idineklara na itong unconstitutional ng Supreme Court noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Lacson, naibalik sa Department of Public Works and Highways ang naunang tinanggal na mahigit na P8 bilyong “pork” bukod pa sa nakuha ng ahensiyang P497 milyon mula sa Calamity Fund.

Sinabi ni Lacson na nagkaroon ng kabuuang increase na P9.054 bilyon ang DPWH dahil sa P8.557 bilyon at P497 milyon para ngayong taon.

Mula P445.766 bilyon noong 2016, magiging P454.721 bilyon ang kabuuang budget ng DPWH ngayong taon.

Ayon kay Lacson, nagkaroon naman ng malaking cut sa budget ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o calamity fund sa ilalim ng Special Purpose Fund na mula sa orihinal na P37.255 bilyon naging P15.755 bilyon na lamang ito sa General Appropriations Act o  cut na P21.5 bilyon.

Tinawag ni Lacson na “unfortunate” ang nasabing cut sa calamity funds dahil na rin sa nangyaring sunod-sunod na kalamidad na nagsimula sa Pablo, Yolanda, Karen, Lawin at Nina.

Ipinunto pa nito na nangangailangan pa ng P100 bilyon para tuluyang maka-recover at maayos ang nasira ng bagyong Yolanda.

Nakakalungkot aniya na isinakripisyo ang panga­ngailangan ng mga biktima ng kalamidad para sa political favors ng mga kaalyado ng administrasyon.

Kinuwestiyon pa ni Lacson ang sinasabing “change is coming” dahil mistulang nagbago lamang ang mga makikinabang na pulitiko mula sa mga Liberal Party congressmen, nabago naman at nalipat sa mga mambabatas mula sa Mindanao.

vuukle comment

SEN. PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with