_ngayon
^
Kerwin Espinosa balik-bansa sa Huwebes
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, nagtungo na anya ang grupo ng PNP-Anti Drugs Group ni Senior Supt. Albert Ignacius Ferro para sunduin ang batang Espinosa sa Abu Dhabi kasabay ng paniniyak na hindi mangyayari sa huli ang kinasapitan ng kanyang ama.
File Photo

Kerwin Espinosa balik-bansa sa Huwebes

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang kaligtasan ng drug lord na si Kerwin Espinosa sa sandaling makabalik na ito sa bansa sa darating na Huwebes.

Ayon kay Dela Rosa, nagtungo na anya ang grupo ng PNP-Anti Drugs Group ni Senior Supt. Albert Ignacius Ferro para sunduin ang batang Espinosa sa Abu Dhabi kasabay ng paniniyak na hindi mangyayari sa huli ang kinasapitan ng kanyang ama.

Kaugnay naman sa plano ng kagawaran sa kustodiya ni Espinosa sa bansa, sinabi ni Dela Rosa na hindi na nila ibibigay ang drug lord sa Leyte sa halip ay sa kanilang kustodiya sa national headquarters sa Camp Crame.

Ayon kay Dela Rosa, paninindigan anya niya na walang mangyayari kay Espinosa sa sandaling dumating na ito sa ating bansa mula Abu Dhabi. Ipapabatid na lang anya nila sa korte sa Leyte na nasa kanila na si Kerwin Espinosa, saka ibabalik ang warrant dito.

Si Espinosa ay ina­resto nitong nakaraang buwan base sa impormasyon binigay ng overseas Filipino workers sa Abu Dhabi.

Siya ay kabilang sa tinukoy ng Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang amang si Albuera Mayor Rolando Espinosa na sangkot sa iligal na droga sa Eastern Visayas.

Nauna nang sumuko ang kanyang ama, hanggang sa muling arestuhin ito sa ipinalabas na warrant of arrest kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act of 2002 saka ikinulong sa Baybay City Sub-Provincial Jail hanggang mapatay kalaunan ng tropa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 8 matapos na umano’y manlaban habang isinisilbi ang isang search warrant.

KERWIN ESPINOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with