Mt. Bulusan, 2 beses nagbuga ng abo

Ayon sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) , ang unang eruption ay nagbuhat sa summit crater na nagdulot ng paglabas dito ng kulay dirty-white na abo na may taas na 2.5 kilometro pakanlurang direksiyon. Nagdulot ito ng maliit na pyroclastic flows na may dalawang kilometro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.
OCD-RDRRMC Bicol/Ronald Belleza

MANILA, Philippines - Dalawang beses na nagkaroon ng phreatic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon sa loob ng 15 minuto kasabay ng dalawang explosion-type earthquakes na may 8 minuto sa nakalipas na 24 oras na monitoring sa bulkan.

Ayon sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) , ang unang eruption ay nagbuhat sa summit crater na nagdulot ng paglabas dito ng kulay dirty-white na abo  na may taas na 2.5 kilometro pakanlurang direksiyon. Nagdulot ito ng maliit na  pyroclastic flows na may dalawang kilometro ang taas mula sa bunganga ng bulkan.

Bunga nito, umabot sa mga barangay ang ashfall partikular sa  barangays of Gabao, Bulawan, Gulang-gulang, Monbon, Cogon at Tinampo  sa bayan ng Irosin gayundin sa barangay Bolos, Irosin at barangay Caladgao sa bayan ng  Juban na may 5 milimeters na abo.

May kapal na 1 millimeter naman ang naramdaman sa  barangay Puting Sapa, Juban.

Ang ikalawang phreatic  eruption ay naglabas ng dirty-white na grayish ash column na may  500 meters  mula sa bunganga ng bulkan.

Nakapagtala rin ng malakas na dagundong na ingay sa may bahagi ng bulkan sa  Gulang-gulang, Tinampo, Monbon, Mapaso sa bayan ng Irosin. Ang malakas na dagundong ay sinabayan ng mabahong amoy na asupre sa may bahagi ng bulkan sa  Aniog at Puting Sapa, Juban.

Nakapagtala rin ng 33 volcanic earthquakes  sa nakalipas na 24 oras na karamihan sa pagyanig ay naitala makaraan ang phreatic eruptions.

Naglabas din ng asupre na may 578 tonelada bago ang eruption.

Patuloy namang ipinaiiral ang Alert Level 1  sa buong  Bulusan Volcano at patuloy na pinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng  4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa patuloy na banta ng mga pagsabog sa bulkan.  

Show comments