Rep. Biazon pinatawan ng 90-day suspension ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Sandiganbayan 7th division ang 90-day preventive suspension laban kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon.

Ang kaso laban kay Biazon ay kaugnay ng pagkakasangkot nito sa pork barrel scam.

Si Biazon ay nahaharap sa kasong graft, malversation at direct bribery sa Sandiganbayan kaugnay sa umano’y hindi tamang paggamit ng kanyang Prio­rity Development Assistance Fund o PDAF na nagkakahalaga ng P3 milyon. 

Sa resolusyon ng anti-graft court inaatasan ang liderato ng Kamara na ipa­tupad ang suspension order laban sa kongresista sa lalong madaling panahon.

Layon ng suspensyon na mapigilang maimplu­wensyahan ni Biazon ang takbo ng kanyang kaso.

Bukod kay Biazon pinatawan din ng 90 day preventive suspension sina Budget Undersecretary Mario Relampagos, Rosario Nunez, Lalaine Paule at Marilou Bare.

Show comments