^

Bansa

QC councilor pinalalakas ang police capability

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang mapalakas ang kapabilidad ng Quezon City police sa crime monitoring at epektibong pamamaraan ng pag- aresto,isang ordinansa ang isinampa upang obligahin ang paglalagay ng  dash board camera sa lahat ng police patrol vehicles.

Inihain ni Councilor Gian Carlo G. Sotto, 3rd district, ang ordinansa upang magsilbi ding pa­ngontra sa pang-aabuso ng pulisya tulad ng paggamit ng excessive force sa interogasyon o pag aresto ng pulisya.

Naniniwala si Councilor Sotto na bilang pinakamalaking siyudad sa National Capital Region (NCR),kapwa sa populasyon at land area, ang mga miyembro ng Quezon City police ay kailangang magkaroon ng state of the art mo­nitoring devices upang epektibong matyagan ang bawat kalsada laban sa aktibidad ng mga masasamang elemento ng lipunan.

Isa sa mga nauuso at katuwang ng law enforcers sa paglaban ng kriminalidad ay ang paggamit ng hi-tech Vehicle Dash Board Camera na ikinakabit sa loob at labas ng police patrol vehicles lalo na yung mga nakadestino sa strategic at crime-prone areas.

Bukod dito, malaking gamit din ang camera sa paglikom ng ebidensiya dahil oras na makarating na sa korte ang street crimes at domestic abuses, ang video ang makapagbibigay ng ensaktong detalye at body language sa mga pangyayari.

Sa ordinansa ni Sotto na aprobado na sa ikatlong pagbasa, ikakabit ang Vehicle Dash Board Camera sa lahat ng patrol vehicles ng Quezon City Police Districts na nagpapatyrulya sa buong lungsod.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE SA CRIME MONITORING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with