Bagyong ‘Lawin’ super typhoon na, signal no. 5 sa Cagayan, Isabela

MANILA, Philippines – Isa nang ganap na super typhoon ang bagyong “Lawin” matapos itong lumakas pa habang tinutumbok ang Cagayan at Isabela.

Taglay na ni Lawin ang lakas na 225 kilometers per hour at bugsong aabot sa 315 kph kaya naman nagbabala na ang PAGASA sa dala nitong “serious threat.”

Inaasahang mamayang gabi o bukas ng umaga tatama sa kalupaan ang bagyo.

Huling namataan si Lawin na may international name na Haima sa 300 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora kaninang ala-1 ng hapon.

Bumagal din ang paggalaw ng bagyo pa kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 24 kph.

Samantala, nakataas din ang storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 4

  • Apayao,
  • Kalinga
  • Ilocos Norte
  • Abra
  • Ilocos Sur
  • Mt. Province
  • Ifugao
  • Calayan Group of Islands

Signal no. 3

  • La Union
  • Benguet
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Northern Aurora

Signal no. 2

  • Batanes Group of Islands
  • Pangasinan
  • Rest of of Aurora
  • Tarlac
  • Nueva Ecija
  • Northern Zambales
  • Northern Quezon including Polillo Islands

Signal no. 1

  • Rest of Zambales
  • Bulacan
  • Bataan
  • Pampanga
  • Rizal
  • Rest of Quezon
  • Cavite
  • Laguna
  • Batangas
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Metro Manila

Pagkadaan ni Lawin sa Cagayan at Isabela ay tutumbukin naman nito ang Apayao at Ilocos Norte.

Tinatayang sa Biyernes lalabas sa Philippine area of responsibility ang bagyo.

 

Show comments