Bagyong Lawin nagbabantang maging mala-Yolanda

Kahapon ng hapon pumasok na sa PAR ang bagyong Lawin na nagtataglay ng ha­ngin na umaabot sa 175 kilo­me­tro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras.
Screengrab from pagasa.dost.gov.ph

MANILA, Philippines - Patuloy na pinag- iingat ng PagAsa ang publiko sa papasok na bagong bagyo na tatawaging ‘Lawin’ dahil mas malakas pa ito kaysa sa nagdaang  bagyong Karen at posibleng maging sinlakas ng nagdaang super typhoon na Yolanda na kumitil ng mara­ming buhay at nagwasak ng mga ari-arian sa bansa.

Alas- 5 ng hapon kahapon, si Lawin ay namataan ng Pag­Asa sa layong 1,245 kilometro ng silangan ng  Legazpi City, Albay at nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibilty.

Kahapon ng hapon pumasok na sa PAR ang bagyong Lawin na nagtataglay ng ha­ngin na umaabot sa 175 kilo­me­tro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras.

Ito ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 24 kilometro bawat oras.

Ngayong Martes ng hapon, si Lawin ay inaasahang nasa layong 975 kilometro ng silangan ng  Baler, Aurora at sa Miyerkules ng hapon ay inaasahang nasa layong 400 kilometro ng silangan ng  Casiguran, Aurora.

Sa Huwebes ng hapon, si Lawin ay inaasahang nasa bisinidad ng  Laoag, Ilocos Norte at sa Biyernes ay nasa layong 510 kilometro ng kanluran hi­lagang kanluran ng Basco, Batanes o nasa labas na ng ating bansa.

Samantala, tuluyan nang nakalabas ng PAR ang bag­yong Karen kahapon pero may mga pag-uulan pa rin na naranasan sa Luzon dahil sa epekto ng naturang bagyo.

Show comments