Bagyong ‘Chaba’ papasok sa PAR bukas

MANILA, Philippines – Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang bagyong may international name na “Chaba” bukas ng umaga, ayon sa state weather bureau.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,500 kilometro silangan ng katimugang Luzon kaninang alas-11 ng umaga.

Taglay ni Chaba ang lakas na 85 kilometers per hour at bugsong aabot sa 105 kph, habang gumagalaw pakanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.

Hindi naman inaaasahang makaaapekto ng direkta sa bansa ang bagyo na pangangalanang “Igme” kapag tuluyan nang nakapasok ng PAR.

Show comments