CHED director sinuspinde

MANILA, Philippines - Iniutos ng tanggapan ng Ombudsman na suspindihin ng isang buwan si  Commission on Higher Education (CHED) Region XII Director Maximo Aljibe matapos mapatunayang ‘guilty’ sa kasong “simple neglect of duty”.

 Sa rekord noong 2014, nagpalabas si Aljibe ng  special order na pumapabor sa isang Pakistani national na magtatapos ng  business administration degree kahit peke ang mga  scholastic records.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, napatunayan na lumabag si Aljibe sa  CHED Regional Office Citizen’s Charter na nagtatakda ng dagdag na dokumento na dapat isumite ng mga  foreign student applicants.

 Sinasabing walang rekord na naiprisinta ang dayuhan para sa submission ng kanyang Notice of Acceptance and Alien Certificate of Registration.

 “As the Regional Director, he fell short of his duty ascertaining that everything was in order before his issuance of the special order,” ayon sa Ombudsman.

 Inatasan ng Ombudsman ang CHED na ipatupad ang utos nito.

Show comments