Special envoy sa China, iaalok kay Alunan

MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ialok kay dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan ang pagiging special envoy ng Pilipinas sa China.

Ito ay kapag tumanggi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na una niyang inalukan ng nasabing trabaho at posisyon.

Sa kanyang pagdalaw sa mga sundalo sa Maguindanao, sinabi ni Pangulong Duterte na kapag tumanggi si dating Pangulong Ramos na maging special envoy sa China, si Alunan ang kanyang napipisil na kapalit nito.

 “If FVR begs off, I will ask ex-DILG Sec. Raffy Alunan to become special envoy to China,” wika ni Pangulong Duterte sa harap ng mga sundalo sa Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Unang inalok ni Duterte si FVR na maging special envoy ng Pilipinas sa China para sa pakikipag-usap kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea matapos na paboran ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang inihaing maritime case ng Pilipinas laban sa China.

Show comments