Duterte ayaw magpatawag ng ‘His Excellency’

MANILA, Philippines — Iniutos ni Presidente Rodrigo Duterte ngayong Huwebes sa lahat ng ahensya ng gobyerno na huwag siyang tawaging “His Excellency.”

"(T)he President shall be addressed in all official communications, events, or materials as 'PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE' only, and without the term 'His Excellency,'" pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa isang memorandum.

Ipinagbawal din ni Duterte ang pagtawag sa mga miyembro ng kaniyang gabinete ng “Honorable” bagkus ay “Secretary” lamang dapat.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia ay lumabas na halos lahat ng mga Pilipino ang nagtitiwala kay Duterte.

Isinagawa ang pag-aaral matapos ang kaniyang pag-upo sa pwesto nitong Hunyo 30.

Nakatakdang mag State of the Nation Address sa unang pagkakataon si Duterte sa Lunes sa joint session ng Kongreso.

 

Show comments