Palasyo nagbabala sa malawakang balasahan

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Malacañang kay incoming President Rodrigo Duterte sa plano nitong balasahin ang mga ahensiya ng gobyerno sa sandaling maupo sa Hunyo 30.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., dapat kilalanin ni presumptive President Duterte ang karapatan ng mga kawani ng gobyerno sa plano nitong pagbalasa.

Wika pa ni Sec. Coloma, baka maapektuhan ng planong ito ni Duterte ang mga career officials ng bawat ahensiya ng gobyerno.

Inihayag ni Coloma na isa sa mga opsiyon ng isang bagong administrasyon ang pagsasagawa ng revamp sa mga posisyon sa gobyerno.

Nauna rito, inanunsyo ni Duterte ang malawakang balasahan sa mga ahensya ng gobyerno partikular sa Philippine National Police, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, Land Transportation Office at Bureau of Corrections.

Show comments