CHR chief tinawag na ‘idiot’ ni Digong

MANILA, Philippines - Tahasang tinawag na isang ‘idiot’ ni incoming President Rodrigo Duterte si Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon at pinatatahimik na lamang nito kaugnay sa sinasabing paglabag ni Duterte sa women’s rights dahil sa kanyang “rape joke”.

“That idiot is nitpicking. I told already in public how it happened. Then you keep on issuing a statement. Here I am, I’m about to enter the presidency. What do you want?!” galit na pahayag ni Duterte kahapon ng madaling-araw sa Davao City.

Sinabi ni Duterte na ilang beses na niyang ipinaliwanag ang kanyang panig kaugnay sa rape joke na kanyang binanggit sa kampanya. Aniya, ginamit lamang niya ang kanyang freedom of speech at right to speech ng sabihin niya ang rape joke kaugnay sa Australian missionary na ginawang hostage sa loob ng kulungan noong 1998.

Sa resolusyon ng CHR, lumitaw na nilabag ni Duterte ang karapatan ng kababaihan sa ginawa nitong biro noong kampanya. Sinampahan si Duterte ng reklamo ng women’s group sa CHR.

Show comments