FOI tiniyak ni Duterte

MANILA, Philippines – Tiniyak ni President-elect Rodrigo Duterte na maipapasa ang Freedom of Information (FOI) dahil bawal ang sikreto sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Bawal na ang sec­rets sa aking administrasyon, kaya magpapalabas na lamang ako ng EO para sa FOI,” sabi ni Duterte.

Sa panayam kay incoming President Duterte, magpapalabas siya ng isang exe­cutive order para sa FOI para hindi na ito dumaan sa mahabang proseso ng tala­kayan sa Kongreso.

Ito’y para ipakita sa pub­liko na walang dapat itago ang gobyerno sa mamamayan.

Magugunita na na­ging campaign promise noong 2010 elections ni Pangulong Aquino ang pagsusulong sa FOI subalit hanggang sa matapos ang termino nito ay hindi nakapasa ang FOI.

Siniguro ni Duterte na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay magiging transparent ang kanyang gobyerno.

Show comments