Karnaper utas sa shootout

PAMPANGA, Philippines – Napatay ang sinasabing notoryus na kawatan ng motorsiklo matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Maimpis Road, San Fernando City, Pampanga noong Linggo ng hapon.

Sa police report na nakarating sa Camp Julian Olivas, kinilala ang na­patay na si Michael “Balat” Tolentino ng Barangay San Jose sa nasabing bayan.

Base sa ulat, namataan ng mga pulis na nagbabantay sa checkpoint sa Barangay Sindilan ang isang motorsiklo na walang plaka at kahina-hinala ang lulan nito.

Nang makatunog si Tolentino ay biglang pinaharurot ang kanyang motorsiklo kung saan nagkahabulan.

Nakorner naman ang motorsiklo ni Tolentino kung saan imbes na sumuko ay pinutukan ang mga pulis hanggang sa mauwi sa shootout.

Narekober sa encounter site ang isang cal. 38 revolver, apat na bala at motorsiklo.

Nabatid na ang ginamit na motorsiklo ni Tolentino ay sinasabing sinikwat nito sa harapan ng banko sa Barangay San Agustin, San Fer­nando City, Pampanga.

Show comments