Simpleng inagurasyon kay Duterte

MANILA, Philippines - Isang simple na inagurasyon ang inihahanda ng transition team ni presumptive President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Peter La­vina, spokesman ni Du­terte, hindi magarbo ang nais na inagurasyon ni Ma­yor Duterte sa dara­ting na June 30 sa pag-upo nito.

Wika ni Lavina, na­­i­sumite na nila kay Mayor Duterte ang ilang listahan na posibleng bumuo sa kanyang gabinete.

Aniya, mahalaga na may maitalaga agad na gabinete si Mayor Duterte dahil hanggang June 30 ang appointment ng mga co-terminus ni outgoing President Aquino. 

Hindi naman nagbigay ng anumang pangalan si Lavina sa mga posibleng kabilang sa Gabinete ni Duterte.

Naunang sinabi ni Duterte na posibleng kabilang sa kanyang gabinete sina Carlos Dominguez, Jess Dureza, Mayor Jun Evasco, ilang retired ge­nerals.

Show comments