MANILA, Philippines – Nanawagan si 1st district Rep. Recom Echiverri na tumatakbong alkalde sa Caloocan City sa mga botante na bantayan ang kanilang mga boto sa politikong mandadaya sa Lunes at huwag ipagbili ang boto nila.
Si Echiverri, na lumamang ng malaki laban kay Mayor Malapitan ang pinagkatiwalaan dalhin ng kapatiran ng Iglesia Ni Cristo matapos mapagtanto ng mga ito ang kanyang pagkatao at mga nagawang tulong sa mga residente lalo na sa mga mahihirap.
“Mahalaga na lumahok tayo sa halalan dahil kailangan ng mga taga-Caloocan ang tunay na lider at mamumuno para maglingkod sa lungsod,” sabi ni Echiverri.
Ayon kay Echiverri, dapat tayong mag-ingat dahil lumalala ang kriminalidad sa Caloocan sa ngayon matapos ang 9 years term ko bilang alkalde.
Sabi ni Echiverri, na importante ang mabantayan ang ating mga boto dahil may mga masasamang elemento ang magtatangka na guluhin ang eleksyon sa Lunes.