Comelec mas handa sa 2016 polls

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na mas handang-handa ngayon ang komisyon para sa halalan kumpara noong 2010 at 2013.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, handang-handa na ang halalan na gaganapin sa Lunes kahit wala pang sertipikasyon mula technical evaluation committee na nasunod ng automated election system ang isinasaad ng automated election law.

Pero hindi sigurado ang Comelec kung makakaboto ang lahat ng mga botante at hindi magkakaroon ng disenfranchisement dahil siguradong hahaba ang proseso ng halalan bunsod na rin ng pag-isyu ng resibo sa mga botante.

Kahapon ay nagsimula na ang final testing at sealing ng maga vote counting machines na gagamitin sa ?May 9 elections.

 

Show comments