El Shaddai kay Marcos

MANILA, Philippines – Matapos makuha diumano ang suporta ng Iglesia Ni Cristo, ang El Shaddai naman ang nagpahayag ng pag-eendorso kay vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos. Sinabi ni Buhay Cong. Lito Atienza na ayaw niyang pangunahan ang gagawing opisyal na anunsyo ng El Shaddai leader na si Bro. Mike Velarde ngunit ito ang personal niyang alam at sya rin ay sumusuporta kay Bongbong bilang bise presidente.

Ang Buhay ay party list ng El Shaddai. Ito ay merong 8 milyong miyembro sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Kinumpirma rin ito ng El Shaddai sources at nagsabing ito ang gagawing anunsyo ni Velarde sa susunod na pagsimba ng grupo sa Amvel compound sa Parañaque City sa Linggo. Si Marcos lamang sa lahat ng kumakandidatong bise presidente ang ipinakilala ni Velarde sa mga dumalo kagabi sa Amvel. Kasama ni Marcos sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe.

Malugod ding sinalubong si Marcos sa Amvel kahapon at marami sa kanila ang nagsabing sya na ang napiling kandidato ni Velarde bilang bise presidente.

Show comments