^

Bansa

Malapitan kinasuhan ng plunder

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng isang ginang na senior citizen ng kasong plunder sa tanggapan ng Ombudsman si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kaugnay ng ‘birthday gift package na ipinamimigay sa mga senior citizen ng lunsod.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Teresita Manalo, 69 anyos ng Libis Asistio Caloocan City, mula nang manungkulan si Malapitan bilang Alkalde ng Caloocan noong June 2013 ay noong nagdaang taong 2015 lamang siya nakatanggap ng spaghetti gift package.

Anya,nitong nagdaang birthday niya noong April 18, 2016 ay hindi rin siya nakatanggap ng gift package mula sa lokal na pamahalaan na ipinagkakaloob sa mga senior citizen sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizen Affairs.

“Bakit hindi ako natanggap ng regalo ngayong birthday ko, dahil ba ako ay supporter ng kalaban ni Mayor Malapitan sa politika,” pahayag ni Manalo.

Inereklamo din ni Ma­nalo na nagkaroon umano ng overpricing ang birthday gift package dahil umaabot lamang ng P200.00 ang laman ng spaghetti package na naglalaman ng spaghetti noodles, tomato sauce, karne norte at keso na nakalagay sa maliit na palanggana. Sinasa­bing P340.00 umano ang ­presyong sinasabi na halaga ng gift package.

Inereklamo din ni Ma­nalo na hindi rin siya nakakatanggap ng P500 ng senior citizen pension kada buwan na nakasaad sa Senior Citizen Act.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with