MANILA, Philippines – Humingi na ng paumanhin si presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa naging pahayag niya tungkol sa isang biktima ng panggagahasa.
Sinabi ni Duterte na hindi niya intensyon na bastuisn ang mga kababaihan lalo na ang mga napagsamantalahan.
"I apologize to the Filipino people for my recent remarks in a rally. There was no intention of disrespecting our women and those who have been victims of this horrible crime," pahayag ng alkalde. "Sometimes, my mouth can get the better of me.”
Inulan ng batikos si Duterte mula sa kaniyang mga karibal sa pagkapangulo hanggang sa mga payak na kababaihan.
Sa laki ng isyu ay ibinalita ng iba’t ibang international news agency ang pahayag ni Duterte.
Kinondena rin ng embahada ng Australya ang pahayag ng alkalde tungkol sa biktima ng panggagaha na isang Australian national.
Nitong kamakalawa lamang sa ibinigay na video ng kaniyang kampo sa media ay tumanggi siyang humingi ng paumanhin sa sinabi.
Sa kabila nito ay tiniyak niya na pangangalagaan niya ang kapakanan ng mga kababaihan at ng mga bata kung siya ang mananalo.
“If you will give me the chance to lead this country, I promise to all of you that I will protect our women, children and families from the horrors and disorders of crime. I will do this even if I lose my life, my honor and even the presidency,” sabi ni Duterte.
“My life is an open book. I am a man of many flaws and contradictions. But when it comes to securing the lives and future of our countrymen and women, you can trust me to do the right thing. I will flight for the people until my last breath,” dagdag niya.
Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia ay nangunguna pa rin si Duterte.