Sen. JV nagpiyansa
MANILA, Philippines - Matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay sa kasong graft, nagpiyansa na kahapon si Senator JV Ejercito sa anti-graft court para sa pansamantala nitong kalayaan.
Kasama ang abogadong si Sigfrid Fortun, personal na nagtungo si Ejercito sa 5th division ng clerk of court para sa booking procedure nito dakong alas-9 ng umaga.
Halagang P30,000 ang ibinigay ng Senador sa Sandiganbayan cashier’s office base na rin sa rekomendasyon ng Office of the Special Prosecutor ng Office of the Ombdusman bilang bail bond para sa kasong graft at P6,000 para sa technical malversation.
Matatandaan na ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Ejercito kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng P2.1 milyon ng high powered firearms noong 2008 ng ito pa ang alkalde ng San Juan City.
Nanindigan naman ang Senador na inosente siya sa kaso at itinuro nito si San Juan Rep. Ronnie Zamora na may pakana ng kaso dahil sa makakalaban ng ina nitong si incumbent Mayor Guia Gomez ang anak ng kongresista na si Vice-Mayor Francis Zamora.
- Latest




















