PANOORIN: Palasyo kay Bato: Sumuko na para walang dugong dumanak
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Malacañang kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko na at harapin ang kasong kinakaharap nito upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.
Sa press briefing nitong Miyerkules, Oktubre 21, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na mas makabubuting sumuko na lamang ang senador sa halip na patuloy na magtago.
“Wala nang dugong dadanak,” ayon kay Castro.
Sinabihan din ni Castro ang mga nagkakanlong kay Dela Rosa na huwag magsilbing tulay upang matakasan ng senador ang mga kasong kinakaharap nito.
Wanted si Dela Rosa dahil sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng umano’y krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng madugong kampanya kontra droga sa Pilipinas noong Duterte admin.
- Latest



















