PANOORIN: DA, pabor sa state of calamity dahil sa ‘Super El Niño’
MANILA, Philippines — Sinang-ayunan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang panukalang magdeklara ng state of calamity dahil sa inaasahang epekto ng “Super El Niño” sa bansa.
Sa pagdinig sa Senado, sinuportahan ni Laurel ang mungkahi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na magdeklara ng state of calamity o imminent disaster upang matiyak ang sapat na pondo at suporta para sa pagtugon sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Pangilinan, mahalagang maagapan ang epekto ng El Niño upang mabigyan ang Department of Agriculture (DA) ng mga kinakailangang resources, batas at executive order para sa pagtugon sa posibleng pinsala. — Martin Ramos
- Latest















