Magsasaka inutas sa palayan
BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 58-anyos na biyudong magsasaka matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa gitna ng palayan sa Brgy. Bulac, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Idineklarang patay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Lope Noriega ng nabanggit na barangay.
Base sa police report na isinumite sa Camp Alejo Santos, inihatid ng biktima ang mga alagang hayop sa madamong bukirin sa Sitio Linawan nang lapitan at pagbabarilin.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng baril.
- Latest























