Robredo sa graduates: ‘Wag mawalan ng pag-asa

Pinayuhan ni LP vice presidential candidate Leni Robredo ang mga graduates ng Sacred Heart College sa Quezon Province na huwag mawalan ng pag-asa at ang kabiguan ay maaaring gawing daan tungo sa tagumpay. File photo

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni LP vice presidential candidate Leni Robredo ang mga graduates ng Sacred Heart College sa Quezon Province na huwag mawalan ng pag-asa at ang kabiguan ay maaaring gawing daan tungo sa tagumpay.

Sa kanyang speech, nabanggit ni Robredo na bumagsak siya sa Bar examination sa una niyang pagkuha, dahil nangyari ito nong siya’y working mother pa at asawa ng Mayor ng Naga City.

Sa kabila ng kabiguang ito, hindi nawalan ng pag-asa si Robredo at nagpursigi pa rin upang maabot ang pangarap na maging abogado.

Nagtapos si Robredo sa kursong Economics sa UP noong 1986 at nakuha ang bachelor of laws degree sa University of Nueva Caceres noong 1996. 

Matapos makapasa sa Bar, nangako si Robredo na tutulong sa mahihirap na walang pambayad sa serbisyo ng abogado para ipaglaban ang kanilang karapatan.

Unang sumali si Robredo sa Public Attorney’s Office at tumulong sa mahihirap na ipagtanggol ang kanilang karapatan sa hukuman.

Show comments