MANILA, Philippines – Nakaranas umano ng pangha-harass ang mga supporters ni Presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang campaign rally sa Camiguin, kahapon ng umaga.
Sinabi ni Atty. Homer Mabale, leader ng Movement for Better Camiguin na pasado alas- 10 ng umaga ng harangin ang kanilang mga supporters sa may lumang munisipyo habang dumadaan ang mga ito.
Patungo umano ang kanilang mga supporters ng mga tauhan ni Jurdin Jesus M. Romualdo sa Freedom Park rally sa Mambajao ng nasabing lalawigan .
Subalit bago pa ito maganap ay isa- isa na umanong kinausap mismo ni Governor Romualdo ang mga supporters ni Duterte at pinagsabihang huwag ng pumunta pa sa gaganaping rally ngayong araw at pinag-aalis ang mga posters ng Alkalde
Tinataya namang nasa 100 supporters ni Duterte ang dadalo sa naturang rally mula sa mga lugar ng Mahinor town, Sagay at Catarman.
Sa kabila naman ng tensyon itinuloy pa rin ng mga supporters ni Duterte ang campaign rally.