WTO sinisi sa rice smuggling

MANILA, Philippines – Ang World Trade Organization (WTO) ang dapat sisihin sa talamak na imported rice smuggling na nangyayari ngayon sa bansa.

Ayon sa ulat ng Gab­riela Women’s Party, ang smuggled farm products na may P94 billion halaga noong panahon ng Arroyo administration ay halos nadoble ng P198 billion sa limang taon pamumuno ni Pangulong Aquino.

‘This cannot be simply be reversed by improved customs inspections or cleaning the corrupt bureaucracy, since the government has committed removing all tariff barriers to imports of goods according to the dictates of the WTO Agreement on Agriculture,” ayon sa Gabriela Women’s Party.

“Dahil sa patakaran na nagsimula pa sa rehimen ni Ramos, milyon-milyong magsasaka ang nawalan ng hanapbuhay samantalang nagdusa naman ang consumers sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng bigas sa palengke kahit ang inaangkat nating bigas ay mababa ang kalidad,” sabi ni GWP Rep. Emmi de Jesus. 

Sa ginawang pagdinig ng Senate committee on agriculture and food, ibinulgar ni Sen. Cynthia Villar na ang rice import permits na dapat lamang sa mga farmer cooperatives, ay naipagbibili sa mga pribadong traders tulad ni Davidson Bangayan.

Napag-alamang, nag­rereklamo diumano si Villar dahil hanggang ngayon ay hindi pa nasasampahan ng kaso ng Department of Justice si Bangayan kahit na inirekomenda ito ng Senado.

Hinimok ng Gabriela ang publiko na gawing prime issue ang food security sa 2016 elections at piliin mabuti ang magiging pinuno ng bansa na magbibigay ng proteksyon sa agricultura laban sa WTO at mga pribadong agri-business interest.

Show comments