Sa pres’l bets, iba pang kandidato no death threats – PNP

“They have nothing to worry about - so far wala kaming narereceive na information (threat) whatsoever directed any candidate running for national positions,” pahayag ni Philippine National Police Chief, P/Director General Ricardo Marquez. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Walang banta sa buhay ng mga kandidato sa mga matataas na posisyon sa gobyerno partikular na sa mga presidentiables kaugnay ng nalalapit na May 2016 elections sa bansa.

“They have nothing to worry about - so far wala kaming narereceive na information (threat) whatsoever directed any candidate running for national positions,” pahayag ni Philippine National Police Chief, P/Director General Ricardo Marquez.

Sa kasaysayan ng bansa, ayon sa PNP chief, karaniwan ng may mga banta sa buhay ay ang mga kumakandidato sa local polls tulad ng mga gobernador, bise gobernador, kongresista, bokal, mayor, bise alkalde, Sanggunian Bayan member at maging ang mga Brgy. Chairman.

Una nang lumutang ang balitang may banta at terror threat umano sa buhay ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe na nangunguna ngayon sa survey sa presidentiables. Ang bagay na ito ay pinabulaanan ng AFP.

Tiniyak naman ni Marquez na may sapat na security measures na ipinatutupad ang PNP sa pangangampanya ng mga kandidato at ang kaila­ngan lamang ng mga itong gawin ay makipagkoordinasyon sa mga awtoridad.

Ayon pa sa PNP chief, walang ‘special treatment’ na ibibigay sa sinumang kandidato o partido na nangangampanya o nagsasagawa ng mga sortie, meeting de avance at iba pa kaugnay ng halalan.

“Normally kapag me­rong rally sa isang lugar ay mandated yung ating commanders to provide security to make sure na no untoward incidents will happen. Hindi ko masabing special (treatment), it’s a normal operations, part of our election package, yung mga ganung activities,” paliwanag ni Marquez.

Show comments