_ngayon
^

Bansa

Milyong Pinoy na gutom tutukan - Romualdez

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tutukan ang programa sa pagsugpo ng kagutuman at kahirapan. Ito ang binigyang diin ni Rep. Martin Romualdez na nagsabing “gumanda man ang pwesto ng Pilipinas sa pinakahuling ranking na ginawa ng Heritage Foundation sa ‘economic freedom,’ ang dapat asamin ng pamahalaan ay ang mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Sa 2016 Index of Economic Freedom World Rankings na ipinalabas ng Heritage Foundation, nakakuha ang Pilipinas ng markang 63.1 points mula sa posibleng 100 at itinuturing na “moderately free.”

Noong isang taon ay pang 76 ang Pilipinas sa 178 bansang kasama sa ranking at may iskor na 62.2 points.

“The next administration should hit the ground running and take decisive steps to uplift the lives of poor Filipinos by creating more jobs,” sabi ni Romualdez na tumatakbo sa pagka-senador sa halalan ngayong Mayo.

Sa ulat ng Heritage Foundation ay pinupuri ang ginawa ng Pilipinas hinggil sa kalayaan sa pananalapi at sa panga­ngasiwa ng public finance, pati na ang progress sa pagpapalakas ng entrepreneurial environment at pag-develop ng mas mala­kas na pribadong sector.

Binanggit din sa ulat ng Heritage ang saloobin nito sa pagpapatupad ng batas at kalayaan sa pagtatrabaho sa bansa, at sinabi pang ang ‘poor infrastructure’ ay nanatiling sagwil sa pag-arangkada ng ekonomiya.

Nanguna ang Hong Kong sa 178 economies na niranggo sa 2016 Index at umiskor ng 88.6 points. Sinundan ito ng Singapore, New Zealand, Switzerland at Australia.

Sila ang mga tanging bansa na minarkahang “free” na may mga iskor na above 80 points. Para sa isang bansa tulad ng Pilipinas, ang economic emancipation ayon kay Romualdez ay nanga­ngahulugan na ang bawat isa sa labor force ay may maayos na trabaho at ang bawat mamamayan ay nagtatamasa ng sapat na panlipunang serbisyo tulad ng para sa edukasyon at pangkalusugan.

ACIRC ANG BINANGGIT HERITAGE FOUNDATION HONG KONG INDEX OF ECONOMIC FREEDOM WORLD RANKINGS ITO MARTIN ROMUALDEZ NEW ZEALAND PILIPINAS ROMUALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with