3 world records binasag ng INC sa Bagong Taon
(Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2016 - 1:41am

MANILA, Philippines – Sinalubong ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang Bagong Taon sa pagbasag ng tatlong Guinness World Records kagabi at ngayong Biyernes.

Dinaig ng INC ang record ng Norway sa pagkakaroon ng largest fireworks display na tumagal ng isang oras. Umabot sa 700,000 pailaw ang sinindihan ng grupo.

Nakuha rin nila ang world record sa largest number of sparklers lit in relay at ang most sparklers lit simultaneously.

"We were able to announce the certificates for the three titles that were attempted tonight by the Iglesia ni Cristo: the longest line of sparklers lit in relay, the most sparklers lit simultaneously, and the largest fireworks display," pahayag ni Guinness World Records official adjudicator Christina Conlon.

Dumalo ang nasa 10,000 miyembro ng INC sa naturang pagbasag ng mga record sa kanilang Philippine Arena sa Bulacan.

Nauna nang binasag ng INC ang dalawang world record sa pagpapalabas ng "Felix Manalo" kung saan sila ang may largest audience for a film screening at largest audience at a film premiere.

ANG BAGONG TAON BIYERNES BULACAN CHRISTINA CONLON CRISTO DINAIG FELIX MANALO GUINNESS WORLD RECORDS IGLESIA NI CRISTO PHILIPPINE ARENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with