Lamig sa Metro 20 degrees celsius

MANILA, Philippines – Nakaranas ng malamig na simoy ng hangin ang Metro Manila  matapos na bu­magsak sa 20 degrees celsius ang tempera­tura rito kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ganap na alas-5:00 ng umaga nang maitala ang nasabing temperatura at inaasahang mas bababa pa ito sa January ng susunod na taon.

Gayunman, hindi na umano magi­ging mababa pa ang nasa­bing temperatura bu­nga ng El Niño phenomenon.

Nauna nang nakapagtala ng 20 degrees Celsius sa Metro Manila nitong nakaraang Linggo na pinakama­baba sa pagsisimula ng hanging amihan nitong November.

Ang pinakamalamig na temperatura na naitala sa  Metro Manila ay 14.9 degrees Celsius noong March 1, 1963. Ang malamig na araw ay karaniwang mataas sa pagpasok ng January at Feb­ruary sa bansa dahil sa patuloy na hanging amihan.

Show comments