AFP sa NPA: Sumuko na kayo!

MANILA, Philippines – Matapos magdeklara ng 12 araw na unilateral ceasefire si Pangulong Aquino, nanawagan kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na magsisuko na sa batas.

Epektibo ang ceasefire alas-12:01 ng madaling araw sa Disyembre 23, 2015 at magtatapos alas-11:59 ng gabi sa Enero 3, 2016.

Ayon kay Col. Noel Detoyato, hepe ng AFP Public Affairs Office, tatalima ang AFP troops sa 12 araw na Suspension of Military Operation (SOMO) bilang pagbibigay diwa sa kapaskuhan.

Mainam anya na magsisuko na ngayong kapaskuhan ang mga rebeldeng NPA upang landasin ang pagbabagong-buhay.

Show comments