SB kay Duterte: Pangalanan ang napatay na mga kriminal

Speaker Feliciano Belmonte Jr. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Hinamon kahapon ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pangalanan ang sinasabi niyang napatay niya na mga kriminal.

Sinabi ni Speaker Belmonte sa interbyu ng Malacañang reporters matapos ang pamaskong handog ng Pagcor sa Quezon City, dapat pa­ngalanan ni Mayor Duterte kahit isa sa sinasabi niyang napatay niya mismong criminal.

“Basta name names lang. I just assume na kaya niyang depensahan ang sarili kung bakit sya pumatay ng mga tao. Prosecutor sya, police sya, judge sya, supreme court sya, executioner sya, pinagsama sama niya, baka naman he can justify ito. Ako naman, ang aking question, name names. Madaling magsalita e. Kung sabihin ko, 25 na napapapatay ko. May maniniwala ba? Name names, even one name lang,” wika pa ni Belmonte.

Ayon kay Belmonte, kaya namang idepensa ni Duterte ang kanyang sarili bilang isang abogado, hukom at executioner kaya upang maging kapani-paniwala ay dapat pangalanan niya kahit isa sa mga ito.

Show comments