Relasyong Pinas-Amerika mas lalakas sa court ruling kay Pemberton - PNoy
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Naniniwala si Pangulong Aquino na mas lala­kas pa ang relasyon ng Pilipinas at Amerika dahil kapwa iginagalang ng da­lawang bansa ang na­ging hatol ng korte sa kaso ni US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.
Habang nasa Rome, Ita­ly, natanong si Aquino kung ano ang opinyon nito sa naging hatol ng korte kay Pemberton at kung ano ang magiging epekto nito sa ugnayan ng Pilipinas at US.
Sinabi ni Aquino na may karapatan naman si Pemberton na iapela ang hatol ng korte pero ipinapakita rin sa kanyang naging conviction na ang mga korte ng bansa ay maa­ring magpalabas ng patas na hatol.

“Mayroon tayong equality among two equally sovereign states na ‘pag may ginawa kang kasalanan, mayroon kang pagagalitan na dapat niyang pagbayaran… Ang diretso ‘non, lalong na-enhance ‘yung ating relationship between us and America,” anang Pangulo.

Pinabulaanan rin ng Pangulo na mabibigyan ng special treatment si Pemberton habang siya ay nasa kulungan sa loob ng kampo ng militar at hindi sa National Bilibid Prison.

Ayon sa Pangulo ang pasilidad na pinagkukulungan kay Pemberton ay kontrolado ng Pilipinas sa loob ng kampo ng Armed Forces of the Philippines na pinapatakbo rin ng Bureau of Corrections.

Maituturing aniyang extension ng NBP ang kulungan ni Pemberton at naayon sa napagkasunduan sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA). Sa ilalim ng VFA, may nakasaad na “agreed upon detention facility” para sa mga military personnel na maaakusahan o mapaparusahan dahil sa krimen.

Sinabi ng Pangulo na ang paglalagay kay Pemberton sa isang hiwalay na pasilidad kaysa sa isang ordinaryong kulungan ay hindi nangangahulugan na binibigyan ito ng special treatment.

“‘Yung mga ganoong klaseng tanong wala namang kasagutang maayos e. Bottom line, bilang sove­reign state, may agreement tayo with another sovereign state…Nandiyan na ‘yan, nag-rule ‘yung ating mga korte; una muna, iniharap si Pemberton sa korte, nasentensyahan ng ating korte at babantayan ng ating mga personnel para i-serve ‘yung kanyang sentence,” anang Pangulo.

Nahatulan si Pemberton sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Makukulong ito ng 6-12 taon at pinagbabayad rin ng P50,000 bilang civil indemnity at P4.32 milyon sa pamilya ng biktima.

ACIRC ANG AQUINO ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES BUREAU OF CORRECTIONS JENNIFER LAUDE JOSEPH SCOTT PEMBERTON KORTE PANGULO PEMBERTON PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with