^

Bansa

Albay, pinahanga ang London tourism meeting

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahang lalong pagtutuunan ng pansin ang Albay sa mundo ng travel and tourism matapos ilarawan ni Albay Gov. Joey Salceda and kanilang lalawigan bilang tunay na pangunahing tourist destination nang tanggapin niya sa 2015 Pacific Asia Travel Association (PATA) CEO Challenge’s Top Destination Award meeting nito sa London kamakailan.

Bilang tugon sa kasiya-siya niyang talumpati, binati si Salceda at tiniyak ng mga higanteng travel and tourism players mula sa iba’t ibang bansa na isasama nila ang Albay sa kani-kanilang mga listahan ng mga priority destinations.

Ang isang maliwanag na pahiwatig ng pagdagsa ng mga banyagang turista sa Albay ay ang biglang paglobo ng registration attendance sa 2015 PATA New Frontiers Forum na ihu-host ng Albay sa Nob­yembre 25-27. Mula sa naunang 191 rehistradong dadalo, biglang domoble ang bilang nito matapos ang London event at inaasahang hihigit pa sa 600.

Sa kanyanga talumpati sa PATA advocacy dinner sa London na dinaluhan ng 151 travel and tourism CEOs mula sa Asia Pacific, binigyang diin ni Salceda ang kabigha-big-haning mga atraksyon ng Albay na siyang dahilan kung bakit ito napili ng PATA para sa maiden edition ng parangal nito. Layunin ng naturang pagtitipon sa London ang lalong pag-ibayuhin at masustinahan ang tourism development para sa mga bagong destinasyon.

ACIRC

ALBAY

ALBAY GOV

ANG

ASIA PACIFIC

BILANG

JOEY SALCEDA

NEW FRONTIERS FORUM

PACIFIC ASIA TRAVEL ASSOCIATION

SALCEDA

TOP DESTINATION AWARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with